HOLDNAP bagong klaseng Krimen sa Quezon at Manila

       
By: Rev. Jesse Amiel A. Ramoso

              Huwag po kayong sumakay sa mga white TAXI or FX na hindi kilala or hindi galing sa mga malaking companya; dahil ito'y minsang nagagamit sa Kriming hold-up, rape or kidnap. Sunod-sunod na nanyayari ngayun, somewhere in Quezon city; ewan ko kung bakit walang advisory ang mga police after halos araw araw may holdapan sa loob ng taxi. Ang modus nila, hindi lang kukunin pera at gamit mo, pati narin ang ATM at Credit card. Ang aking tawag sa ganitong krimen ay HOLD-NAP "na holdup kana na kidnap pa; at minsan may kasama pang pang momolestya o rape. Dahil 2 to 4 hours na naka detained sa loob ng sasakyan ang biktima, habang sila ay nag sa-shopping gamit ang credit card or ATM card mo. May pera at gadget na sila na galing syo, nakapag shopping pa at may kasama pang pambabastos or rape. Mag-ingat po kayo sa mga ganitong klaseng sasakyan.

              Hindi ko po sinasabi na lahat ng mga white taxi ang gumagawa nito, ang sinasabi ko lang na ito'y minsan nagagamit sa mga kalokohang ganito, holdapan. Subalit wala rin tayong magagawa kong hindi po tayo mag iingat. Pag kayo ay sumakay ng FX, minsan akala mo lahat ay pasahero ang iyong mga kasama yun pala ikaw lang ang tunay na pasahero, lahat dun ay maaring holdaper. Minsan kasama o sangkot ang driver. Pag kayo ay sumakay sa taxi, dapat i-lock ang lahat ng mga pintu-an, huwag sumakay sa mga lumang taxi na sira-sira ang pintuan at hindi kilala ang companyang ito.

                Pagkasay ng TAXI or FX, tumawag or kunyaring maykausap sa phone at bangitin kung ano ang plate number at kulay ng sinasakyang taxi or FX at ipag paalam na tansyadong oras na dapat ikaw ay darating sa lugar na pupuntahan nyo. Pa simplehang gawin po ito; mas mainam kung may tumatawag sa iyo from time to time to che-check at monitor sa byahe mo lalo na't sa gabi po kayo madalas bumabyahe. Dapat ding ipag alam kung saan kayo dapat dumadaan. Sa gawaing ito, magdadalawang isip ang mga holdaper or kriminal na maybalak na gagawin sa inyu; dahil minsan nakikiramdam din sila kung hindi sila ma bulelyaso. Kung kayo naman ay (wag sanang mangyari) makakaranas sa ganitong krimen, dapat mahinahon at sundin ang utos o hinihingi ng mga holdaper (tulad ng PIN number; code or unlocking code of your phone etc.) at dapat hwag mag panic. Madals pinapa-pikit ang inyung mga mata at hindi dapat tumingin sa labas o saan-saan, sundin nyo po ito, dahil sinasaktan nila ang mga lumalabag nito. Pero habang naka pikit ang iyung mga mata, makipag negotiate, dahil ang kailangan ng mga ito ay pera or pagkakaperahan.  MInsan pina kukunyari kayong nakatulog pag naka parking ang sasakyan habang naglilimas or nagsa shopping ang kasamahan nila gamit ang iyung CARD. Madalas nagyayari ang sapilitan pagpatay ng kanilang bictima kung sila po ay naiinis o na irritate sa mga sinasabi o ginagawa ng viktima, pag nag panic or na dedelay ang mga holdaper dahil hindi binibigay agad ang gusto nila, wala awa po silang pumatay. H'wag mag sinungaling lalo't pin number ng ATM o PIN or LOCK CODE ng mga gadget, ang hinihingi nito, ibigay ang totoong pin kapalit ng iyong kalayaan kung maari. Dapat, kung madalas kayo po ay bumabyahe sa gabi na naka commute, lalo na sa mga call center agent, dapat dalhin ninyu ang ATM na kakaunti lang ang laman, at mag bukas ng ATM na pang malakihang amount na naka deposit dun. Huwag din mag dala ng mamahaling gadgets or alahas, mainit sa mata ng mga holdaper. Kadalasang gumagawa nito ay may kontak na riding in tandem.
   
                     Kung ito naman ay patungkol sa rape, kadalasan nang yayari po ito sa mga  Van or FX na hindi nakikita ang loob pag sa gabi. Iwasang sumakay sa mga FX or Van o BUs na masyadong tinted o naka kortina or darkened ang loob nito na hindi nakikita ang mga ginagawa sa loob, TARGET po ito na gagamitin o bibiktimahin ng holdap na mag kasamang rape. Iwasang mag suot ng mga damit na mabilis hubarin, tangalin o punitin, iwasang mag suot ng mag skirts na maninipis na damit. Masmainam kung kayo po ay naka pantalon o naka damit na tipong pag kayo ay hinubaran madaling makita at mahalata na may ginigawang kalokohan sa loob ng sasakyan.  Iwasang mag labas ng mga gadget bago kayo sumasakay sa Bus, jeep, FX or Taxi, dahil ang mga riding in tandem ay mag mamanman sa inyu, at pag kayo na ay naka sakay sa FX or Jeep or bus, hahabol ang mga at uunahan nila kayo, pag dating sa unahan, pumapara ang mga ito at mag kunyaring pasahero. Dun madalas mangyari ang holdapan. Ang mga ganitong klaseng holdapan ay walang kasamang rape pero ito'y mabilisang holdap na may kasamang murder if you delay them. Tignan ang paligid bago po kayo sumakay; lalo na yung mga may motorsiklo at tignan at dapat tandaan ang itsura ng bawat tao sa loob ng saksakyan. Bago sumakay, kailangan tignan kung ilan ang lalaki at ilan ang babae. Kilatisin ang nagkukunyaring professional o nagdadamit professional dahil sa minsan nagdadamit ang mga ito na kagayang nagtatrabaho sa opisina.

              Madalas nanayayari ang kreming ito sa gawi ng Quezon city, (lalo na ang kahabaan ng E-rod to Aurora, pa-ikot-ikot sa new manila, sa mga scouts streets), at dahil sa subrang lawak ang Quezon city at kakaunti lang ang mga visible police along the highway. Ang mga nababangit na lugar ay minsan madilim o walang pulis. Subalit nanyayari din ito sa Ortigas, Makati, Taguig, Manila, lalo na't mabilis silang makakalabas sa city proper. Hindi na po ito bagong krimen, subalit ang bago nito ay yung tipong ide-detained ka ng 2 to 4 hours, habang nililimas nila ang laman ng ATM at inubos ang lahat ng iyong mga kagamitan. Mag-ingat po kayo, palaging mananalangin at maging alisto.


photo source: http://mypandacan.com/archives/tag/hold-up/

Comments

Popular posts from this blog

Philippine Christians Voted Gay Marriage By Default

"Badjangon" The Only Cold Spring by the Beach in Philippines

Tips on How to survive from Tsunami and Flash Flood